Growing Up

  1. Search
  2. Ask me anything
  3. Subscribe
  4. Archive
  5. Random
Newer
Older
  • This speech was delivered by a fellow La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

    iwantahugecupofcoffee:

    blackandblueheartedalbert:

    miiiica:

    This guy’s amazing. Read, read, read the frakking speech, it basically screams “DO NOT EVEN ATTEMPT TO GIVE UP” in your face.

    Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan. 

    Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito. 

    Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hung on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award. 

    Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba? 

    Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan. 

    Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.” 

    Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin? 

    Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term. 

    Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila. 

    Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon. 

    Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

    Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron? 

    Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon? 

    Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang. 

    Baka sabihin ninyo, drowing lang ako. 

    I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. 

    Akin ang transcript na ito. 

    Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako. 

    This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor that told me that I can’t make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times. 

    Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

    (via whatsuphannah)

    OMG! I cried reading this. T_T Finally, there’s someone who can fully understand my feelings! Kudos to you whoever you are :)

    Posted on September 22, 2010 via That panda with a camera with 1,867 notes

    Source: hannahadriano

    1. anne-in-wonderland reblogged this from lendenpen
    2. jassiely reblogged this from hindimaintindihan
    3. dyneljo reblogged this from musikamusika
    4. mangalcun liked this
    5. abankktmblrako liked this
    6. distortedfeatures reblogged this from heystripper
    7. thediaryofbatman reblogged this from mjagbayani
    8. loidzmiatch liked this
    9. loidzmiatch reblogged this from kalogitlogsabog
    10. bonnetboy reblogged this from poypoypoypoypoy
    11. collinchingkit reblogged this from kalogitlogsabog and added:
      nakaka-inspire, :D
    12. magnus717 liked this
    13. cezzangelica reblogged this from kaththecrapout
    14. kathmejia reblogged this from kaththecrapout
    15. sandtafidddi liked this
    16. kneenahysabellereblogs reblogged this from kneenahysabelle
    17. dong-norrick liked this
    18. fueledbyzaila liked this
    19. solid-ground-and-north-star reblogged this from signsandsymptoms
    20. signsandsymptoms reblogged this from kidaokagee
    21. tuanjude liked this
    22. amlouieboi reblogged this from hannahadriano
    23. amlouieboi liked this
    24. randomspirit liked this
    25. unsaidfeelings101 liked this
    26. tomasinoi reblogged this from thatcrazyrockstar
    27. sweetenaj reblogged this from thedawnmarieia
    28. imasimplybitchlover liked this
    29. llenaya liked this
    30. choicolate reblogged this from adamsonnetwork
    31. gorjuzkim liked this
    32. commander-viagra-en-ligne liked this
    33. reserese reblogged this from hannahadriano
    34. iam-possible reblogged this from thesickestmee
    35. metalmallow reblogged this from kaththecrapout
    36. eatdrinkbemessy reblogged this from icequeenubia
    37. ellalovesyou reblogged this from lovelivedancefly
    38. makeitrock liked this
    39. baekhybacon reblogged this from kidaokagee
    40. starscrewed liked this
    41. signsandsymptoms liked this
    42. jiggerjive reblogged this from fadedredlips and added:
      those who have failing grades. Live on with
    43. alluriana reblogged this from hannahadriano
    44. jupheloveseight reblogged this from afterrawrs
    45. the-usual-username liked this
    46. mika-e-la reblogged this from hannahadriano
    47. markanthonyrecto liked this
    48. markanthonyrecto reblogged this from kimperjein
    49. constantinvasions reblogged this from neonindianneon and added:
      I raise my middle finger. \m/ LOL. THIS IS THE BEST.
    50. constantinvasions liked this
    51. Show more notesLoading...
  • sixbillionsecrets
  • ialmostlaugh
  • fuckyeahtattoos
  • tattoome
  • omgfactsofficial
  • wordboner
  • staff
  • jhnmyr
  • misisdef
  • aplacetolovedogs
  • purplerabbit
  • bricney
  • tonyontheradio
  • pinoytumblr
  • tuesdayv
  • yengconstantino
  • themusiclibrary
  • hellothereimkym
  • rikides
  • philstarsupreme
  • jimparedes
  • tumblrbot
  • petswhowanttokillthemselves
  • vivafilipinas
  • grooveshark
  • phyrezone
  • oscaroida
  • rysa88
  • bubblesparaiso
  • aprilgreenne
  • mgadrowingniprits
  • shitgrownupsruin
  • chalkzone
  • emotionalpornography
  • kymglitters
  • yoritenshi
  • babieswhowanttokillthemselves

Field Notes Theme. Designed by Manasto Jones. Powered by Tumblr.